Tuesday, November 2, 2010

WARNING: MGA PAGKAING BAD SA HEALTH

AYON sa estimasyon ng mga eksperto, taun-taon ay mataas ang bilang ng mga taong napalalapit sa banta ng tinatawag na food-borne illnesses, kung saan, taun-taon ay halos 5,000 tao ang namamatay.
Ang mga nakakatanda, kabataan at ang mga taong mayroong immune system disorders ay ang siyang pinakasensitibong debisyon ng populasyon na marapat mag-ingat.
Ang mga sintomas ay kadalasang kinapapalooban ng diarrhea, pamumulikat, lagnat,kasamang dugo sa dumi, pagsusuka, pananakit ng ulo at labis na pagkapagod.



Ilan sa mga pagkain na dapat bantayan bago konsumuhin na malapit sa panganib ng kontaminasyon kaysa sa iba na kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Lettuce. lumalaki ito sa lupa, kung saan malapit ito sa mga pataba. Mainam kung tatanggalin ang bandang labas na bahagi ng naturang gulay at itatapon na lang ng tuluyan. Hugasang mabuti ang bawat layer ng lettuce bago lutuin o kainin.








2.Mani.. Malapit ang mani sa pagkakatanim nito sa tinatawag na aflatoxins o ang banta ng mold na maaaring maging dahilan ng liver cancer. Mas mainam kung susuriing mabuti ang mani para sa mga senyales ng mold bago pa man ito kainin.





3. Shellfish. Kapag hilaw o hindi maayos na naluto ang produktong ito, ang protinang makukuha ay posibleng magbunsod sa ilang suliranin.Mainam na siguraduhin ang ibayong pagluluto sa lahat ng uri ng ganitong produkto.






4.Isda. Ang ilang uri ng isda lalo na ang swordfish, tilefish, king mackerel atbp. ay kadalasang nagtataglay ng mataas na level ng mercury. Ipinapayo ang pag-iwas sa mga ito lalo na kung nagdadalantao.








5.Ceasar Salad. Kadalasan itong isiniserve sa mga restoran na kadalasang nagtataglay ng dressing na kinabibilangan ng hilaw na itlog na maaaring magdala ng salmonella na nakamamatay kapag hindi naagapan.
Mainam kung itatanong sa nagse-serve kung saan gawa ang dressing at pumili na lamang ng ibang menu item kung kinabibilangan ang salad ng hilaw na itlog.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...