Tuesday, November 2, 2010

HEALTHY BENEFITS NG PAGLALAKAD

MALIBAN sa pagbabawas ng timbang sa katawan at maayos na kondisyon ng puso ng isang tao, ang paglalakad ay nagdudulot din ng iba pang benepisyo na kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Lumalaban sa breast cancer. Ang paglalakad ay napatunayang nakababawas sa mataas na level ng estrogen sa katawan, habang nakababawas pa ito sa panganib na dulot ng iba pang estrogen-related disease.

2. Nakapagpapabuti ng mood. Ayon sa pananaliksik, ang 30 minutong paglalakad ng isang tao sa bawat araw ay nakapagpapataas ng       produksiyon ng mood-boosting chemicals na kilala bilang endrophins na mainam upang maging maayos ang mood at maging mabuti sa pakikisalamuha sa ibang tao.

3. Nakapagpapahimbing ng tulog. Ayon sa pag-aaral; lumalabas na ang paglalakad ay nakapagpapataas ng level ng tinatawag na relaxation hormone serotonin na siyang dahilan upang magkaroon ng mas masarap na tulog at pahinga.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...