Tuesday, November 2, 2010

INUMING PANGONTRA SA ALZHEIMER’S



Isa sa pinakamainam na paraan upang iligtas ang sarili sa trahedyang maaaring idulot ng Alzheimer’s disease ay ang pag-inom ng baso ng fruit juice sa oras ng almusal, ayon sa pagbubunyag sa resulta ng pananaliksik. Ipinapalagay ng mga siyentipiko na ang mga babaeng nasa gulang na 65 pataas na madalas lumagok ng naturang inumin ay 76% malayo sa banta ng Alzheimer’s disease kaysa sa mga taong hindi umiinom nito.


Ayon pa sa mga eksperto, ang tipo ng antioxidant na tinatawag na polyphenol ay siyang dahilan kung bakit ang juice ay nagdudulot ng abilidad sa utak na sadyang mahusay. Ang polyphenol ay matatagpuan sa citrus, mansanas at grape juice.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...