Tuesday, November 2, 2010

Tips Para Ma-solve ang Problema

Sino bang tao na normal ang pag-iisip ang hindi nagkakaroon ng problema. Lahat tayo ay magsasabing oo nga ano? Ang mahalaga naman sa buhay ay matuto tayo na mabigyang solusyon ang bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay. Pero paano nga ba ma-solve ang problema. Ito ang ilan sa mga hakbang o tips para rito:



Una. Tangapin mo sa sarili na may kinakaharap kang problema. Huwag mo itong takasan dahil kung hindi ka man magsisi sa bandang huli ay maaaring ikadagdag pa ito ng iyong dalahin. Acceptance and recognition of the problem is the first step in problem solving.

Pangalawa. Ano?Paano?Kailan?At saan ba nagsimula ang problema? Alamin ang mga bagay na puno't dulo nito upang mabigyang linaw mo ang lahat sa paraang magaan at may patutunguhan. Assembling of the facts about the problem is crucial in finding a better solution.

Pangatlo. Maghanap ka ng paraan upang masolusyonan ito, bigyan mo ang sarili ng mga option. Ano ang plan A mo? Ano ang Plan B. Maaari ka ring komunsulta sa matalik mong kaibigan hinggil sa iyong problema ngunit dapat sa bandang huli ay desisyon mo pa rin ang mangingibabaw sa bawat payong maririning mo sa kanya. Kung ang problema ay nangangailangan ng madaliang solusyon,  consider some alternatives and quick remedies.

At panghuli. Ano ba sa tingin mo ang solusyon na makakagaan sa iyong problema? Sa mga naisip mong solusyon, ano ba ang mas maiiging gamitin. Dito na pumapasok ang pagdedesisyon. Ang huling hakbang upang masolusyonan ang problema o ang tinatawag na good decision-making. Balewala ang mga naisip mong hakbang kung hindi mo ito isasagawa.

Tandaan, ano man ang kahihinatnan ng solusyong iyong napili ay mahalagang huwag mo itong pagsisihan bagkus kung ikaw ay magkamali, isipin mo na lang na ito ay isang bagay sa buhay na nagtuturo sa ating maging matatag at maging mabuting tao.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...