1. Mansanas. Ang tamang laki ng mansanas ay binubuo ng 85% ng tubig na mayroong limang gramo ng fiber kabilang na ang pagtataglay nito ng pectin na nagbubunsod sa isang tao upang makaramdam ng pagkabusog at limitahan ang abilidad ng cell upang maka-absorb ng fat.
2. Mani. Hindi pa batid ng mananaliksik ang dahilan ngunit naniniwala ang mga eksperto na ang bawat nakukonsumong mani ay nagbubunsod upang mamantina ng isang tao ang tamang timbang ng kanilang katawan kaysa sa mga hindi kumakain ng mani.
3. Keso. Ang mga babaeng kumukonsumo ng piraso ng full-fat cheese sa araw-araw ay mas malayo sa pagbigat ng timbang, kaysa sa mga mahigpit na kumukonsumo ng tinatawag na low-fat variety.
4. Manok. Ito ay mataas sa protina na humahadlang sa level ng ghrelin – hormone na nagbubunsod sa pagkaramdam ng pagkabusog ng mas matagal kaysa sa pagkonsumo ng ibang pagkain ayon sa pananaliksik.
5. Red beans. Mataas ito sa fiber na nakatutulong upang mabalanse ang level ng bloodsugar habang nagdudulot ito ng tamang enerhiya sa katawan.
6. Low-fat yogurt. Ang mga dieter na kumukonsumo ng tatlong serving ng yogurt sa araw-araw ay tipikal na nakababawas ng labis na timbang sa katawan. Ayon sa pananaliksik, ang calcium na nakukuha rito ay nagdudulot ng fat-burning compounds.