Hindi lang magmumukhang macho o sexy…
HINDI dapat ipagsawalambahala ng isang tao kapag siya ay pinayuhan ng kanyang doctor na magbawas ng timbang sa sariling katawan upang maiwas sa bantang panganib na dulot ng sakit sa puso.
Ayon sa pananaliksik, lumalabas na ang isang tao ay may kakayahang magkaroon ng maigting na benepisyo sa usapin ng kanyang cardiovascular sa pamamagitan ng naturang simpleng pagbabawas ng timbang.
Kahit ang maliit na bilang ng taba na mababawas ng isang tao sa kanyang katawan ay mahusay na makapuputol sa tsansa na makapag-develop sa tinatawag na insulin resistance, na isang kondisyon ng katawan na napo-produce ng insulin ngunit hindi naman maayos ang nagiging bunga.
Ang resulta ay ang pagkakabuo ng parehong insulin at sugar sa blood stream na isang masamang balita sa puso ng isang tao.
Bilang karagdagan at tulong sa pagbabawas ng timbang, marapat na kumonsumo ng maraming fiber, whole grains at lean protein. Mahusay din ang pagkakaroon ng kahit na kaunting oras sa pag-eehersisyo sa araw-araw.