Tuesday, November 2, 2010

BENEFITS NG CONDITIONER SA BUHOK

1. Para sa dry at kulot na buhok.
Mainam ang paggamit ng conditioner na mayroong orange blossom, nakapagmo-moisturize ito sa mga taong mayroong kulot na buhok, habang nadaragdagan pa nito ng kakaibang kintab.




2. Para sa flat, at manipis na buhok.
Ang tamang pagpili ng conditioner ay nag-iiwan ng maayos na hibla ng buhok lalo na sa mga taong may flat at manipis na buhok.Mainam na pumili ng conditioner light citrus detangler kung saan magbubunsod ito sa pagiging shiny ng buhok na nagba-bounce.







3. Para sa bagong kulay na buhok.
Mainam na humanap ng conditioner na may citrus waxes. Mahusay nitong malalagyan ng coat ang buhok at mapuprotektahan ang bagong tubo nito at makaiwas sa mabilis na pagkupas ng kulay.






4. Para sa buhol-buhol na buhok.
Ang styling product conditioner na may kasamang vitamin C ay makapagdudulot ng kondisyon sa sariling buhok, habang nagbibigay ito ng mas makinis na texture at kontroladong hugis.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...