Sabi nila ang tunay na ganda ay nakikita sa panloob na anyo lamang, tama naman, walang duda at hindi kami sasaluwat sa ideolohiyang ito mga katoto. Ngunit aminin man natin o hindi, we are living in a society that is full of prejudice. Dahil importante pa rin sa mga tao ang panlabas na anyo at dahil ito ang nagdidikta sa kanila ng impresyon tungkol sa iyo. Isa nga sa mga problema ngayon ang pagkakaroon ng taghiyawat at acne. Wala mang konkretong bilang ng tao ang nagkakaroon nito sa mundo ngunit masasabing ito ang isa sa mga skin problem na patuloy na dumarami kada taon.
searched from google image. for illustration purposes only |
Bakit nagkakaroon ng Acne ?
Ang pagkakaroon ng Acne ay dulot ng clogging sa ating skin pores nang oil na nililikha ng ating sebaceous gland. Ang clogging ay resulta ng iba't ibang bacteria
Ito ang dahilan kung kaya't ang ibang acne treatment ay hindi epektibo o hindi nagbibigay ng agarang lunas sapagkat ang ilan sa mga ito ay nagpopokus lamang sa sintomas at hindi sa pinakadahilan ng pagkakaroon ng acne. Magkagayon, ang mga ito ay nagbibigay lamang ng panandaliang solusyon gaya ng pimple drying at scar removal.
Ilan pa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng taghiyawat o acne ay ang mga sumusunod:
1. Walang ehersisyo o proper exercise.
2. Hindi tamang diyeta
3. Dumi at polusyon sa kapaligiran
4. Pagod o stress
5. Hormonal imbalance
May Gamot Ba Talaga sa Acne?
Ang totoo, wala talagang naturang gamot na direktang nag-aalis ng acne, kung mayroon man ay may kamahalan ito. Isa pa, ang kondisyong ito ay hindi simple at nangangailangan talaga ng kaukulang atensyon. Sa bawat isang tao, may mga gamot na bagay sa iyo na hindi naman hiyang sa iba, kaya naman kinakailangang dumaan ka sa iba't ibang paraan para matukoy mo ang paraan na akma sa iyong acne problem.
Kung magkagayon, maaari mong subukan ang ilang alternatibo upang maiwas sa acne o taghiyawat.
Mga tips para mabawasan o pati maalis ito sa natural na paraan:
1. Limitahan lamang ang paghilamos ng iyong mukha, tama na ang dalawang beses sa isang araw. Sinasabing anumang labis rito ay maaaring magdulot ng pagkairita sa iyong balat at pagkatuyot dahilan upang mas lalo kang maging prone sa acne. Ang labis na paghihilamos ay nagdudulot din ng extra oil production dahilan ng mas marami pang break-outs.
2. Huwag gumamit ng mga facial scrubs na may sangkap na almonds o apricot. Nagdudulot din ito ng pagkairita sa iyong balat.
3. Kung ikaw naman ay gumagamit ng skin toner, piliin ang mga produktong walang sangkap na isopropyl alcohol. Any strong astringent can cause your sebaceous gland to produce more oil. Ang resulta, pagkatuyot ng balat, pamumula at mga blemishes pati.
4. Huwag tirisin ang tagyawat o acne dahil lalo lamang itong magdudulot nang pagpasok ng bacteria sa iyong balat at impeksyon.
5. Huwag ugaliing hawakan ang mukha, gaya ng pangangalumbaba, paggamit ng labakara o towels o pagkakamot. Nagdudulot din ito ng mga bacteria sa iyong skin pores.
6. Maigi ang pag-eehersisyo, ngunit mas maiging pagkatapos nito ay maiging maligo kaagad o magshower bath. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang paglaganap ng bacteria.
7. Sa pagkakataong mahanap mo ang isang over the counter medicine na hiyang sa iyo ay huwag ka nang sumubok pa ng iba. Hindi lahat ng mga gamot na nabibili ng walang preskripsyon ay magiging epektibo sa iyo. Ngunit hindi rin maitatangi na ang ilan nga sa mga ito ay maaaring maging sagot sa iyong acne problem. Kaya ang mahalaga ay sumubok ka para mahanap mo ang lunas para sa iyong acne. Ito ang magiging solusyon upang maiwasan na ang paglala pa ng iyong acne problem.
Isa sa mga kilalang acne treatment ngayon sa amerika ay ang Acnezine, isang natural herbal supplement na hindi tulad nang ibang topical acne treatment, ang produktong ito ay direktang nilulunasan mismo ang pinag-uugatan ng iyong acne.
Tips Para Lalong Maging Mabisa Ang Acnezine
1. Hilamusan ang affected area gamit ang maligamgam na tubig at mild soap gaya ng doveo anumang facial wash na mayroon benzoyl peroxide tulad ng oxy-5.
2. Ugaliin i-shampoo ang buhok sa palagian.
3. Iwasan na tamaan ng iyong buhok ang mukha na mayroong acne.
4. Iwasan ang pag-shave ng palagian, o kung hindi man ay iwasang matamaan ang mga sumisibol na tagyawat. Gumamit ng bagong shaving blades para maiwasan ang tyansa ng pagkalat ng impeksyon.
5. Sa mga kababaihan, iwasan ang paglagay ng make-up sa paligid ng iyong mukha na prone sa acne. Kung hindi naman maiwasan ang paggamit ng make-up ay gamitin lamang ang produkto na hypoallergenic o mga make-up na walang bango.
6. May mga ilang practitioners ang naniniwalang na ang tamang pagdidiyeta ay makakatulong para mabawasan o malunasan ang taghiyawat at acne. Nirerekomenda nila sa mga pasyenteng mayroong acne problem na kumain ng mga pagkaing mayaman sa beta carotine tulad ng carrots at mga prutas na kulay dilaw at orange. Nirerekomenda ring iwasan ang mga fatty foods.
Alin man sa mga nabanggit na solusyon ay kinakailangan pa rin ng gabay ng iyong duktor o dermatologist. Ang kagandahan lamang, ang acnezine ay may natural na sangkap para sa acne na walang dulot na side effects at talaga namang mabisa.
Paano Mabibili Ang Acnezine?
Ang produktong ito ay mabibili online gamit ang iyong credit card, paypal account o google checkout account. Kung nasa Pilipinas ka, your order will be shipped via fedex, ito ay makukuha mo sa loob lamang ng 10 to 21 days ( depende sa clearance ng custom )
Dapat Tandaan
Hindi ba't mas maiging makita ang sarili na kaaya-aya, hindi lamang sa pag-uugali kundi pati na rin sa iyong panlabas na kaanyuan. Having a pleasant face can boost your confidence.It will improve the many aspects of your life, physically, mentally and emotionally. It will help to elevate your social intellegence as well. Kapag makita ka nang ibang tao na may kaayayang mukha ito ay nagbibigay ng magandang impresyon hindi lang sa iyong panlabas na kaanyuan pati na rin sa iyong pagkatao.
Ang problema sa acne ay kayang mabigyang solusyon, ang mahalaga ay ang pagtanggap mo sa problemang ito at ang positibo mong pang-unawa na kaya mong maiwas o maalis ito.
May nais ka bang tips na gusto mong maisulat namin bukod sa Tips Para Mabawasan o Malunasan Ang Taghiyawat At Acne. Magcomment lamang po o dumaan sa aming chatboard na makikita sa aming toolbar o sa kanang bahagi ng aming blog. Inaanyayaan din namin kayong i-share ito sa inyong facebook account o sa iba mo pang social networking site.