Mula sa naunang halimbawa ng mga bagay na makapagpapaiwas sa sakit na sipon at trangkaso at pagpapalakas ng flu-fighting immune cells, na kinakailangan upang mapalayo sa virus ng paligid, lalo na sa ngayon na usong-uso ang A(H1N1) virus.
Mapalalayo sa banta ng cold and flu viruses sa pamamagitan ng iba pang bagay at Gawain na kinabibilangan ng mga sumusunod:
1.Kumain ng kamote
Ayon sa pananaliksik, ang pagkonsumo ng kalahating tasa ng kamote sa bawat araw ay nakababawas sa panganib na pagkakaroon ng sipon at trangkaso ng 33%. Ito ay dahil sa immunity-boosting beta carotene, na matatagpuan sa natural uri ng gulay.
2.Mag-relax
Kung magagawa rin naman, mainam na limitihan ang galaw ng katawan at mag-relax.Kapag nakararamdam ng pressure sa katawan at mas lalo pa itong sinasagupa, ay tumataas ng husto ang stress hormone cortisol.
Kung sakaling mairerelaks ang katawan, napabababa ang posibilidad ng pagkakaroon ng cold at flu ng hanggang 50%.
3.Uminom ng salabat
Ang salabat ay nagdudulot ng sapat na nutrisyon na nakatutulong sa katawan upang maayos na maitaboy ang white blood cells sa katawan at makukuha ito sa pamamagitan ng pagkokonsumo ng salabat o ‘di kaya’y ginayat na luya sisipsipin at ilalagak sa loob ng bibig.
Mahusay din ang pagkonsumo ng kalahating tasa ng pinya, at ginseng tea.
4.Maglakad-lakad
Lumabas sa pag-aaral na ang pag-e-ehersisyo ay mahusay sa pagpapakawala ng tinatawag na growth hormones, isang chemical messengers na mainam na nakapagbibigay ng sapat na pwersa sa white blood cells ng 55%, habang nakadodoble ito sa produksyon ng germ-killing anti-bodies.
Mas magiging masarap ang paglalakad kung may makakasamang kaibigan,o ‘di kaya’y paggamit ng ipod na maaaring pakinggan sa naturang gawain.