Tuesday, November 2, 2010

KAHON NG SAPATOS, DA BEST NA TAGUAN PARA DI MASIRA ANG PICTURES


MAGANDANG tingnan ang mga larawan ng magkakasama sa loob ng isang photo album na maaaring tingnan sa tuwing magkakaroon ng panahon.

Gayunman, ang mga larawan ay mas mahusay na mapangangalagaan kung pipiliing ilagay sa loob ng karton sa halip na sa album.

Ayon sa isang eksperto, ang low-grade paper ay kumukontra sa acidic adhesives at plastic na siyang dibisyon ng mga photo album na nagkakaroon ng peroxides at gases kung saan nagdudulot ito ng mantaas na tuluyang sumisira sa mga larawan.
Diumano’y mas mainam kung sa loob na lamang ng kahon ng sapatos pipiliing ilagay ang mga larawan na mayroong sapat na ginhawa at tuyong lugar sa loob ng closet.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...