Tuesday, November 2, 2010

Tips Para Pumuti Ang Maitim Na Kilikili

Nakakahiya di ba kung makita nang iba na maitim ang iyong kilikili. Kaya ngayon pa lang ingatan mo nang huwag itong mangyari sa'yo. Ito ang ilan sa mga pag-iingat na kailangan mong gawin at kung nakikita mo na ang pangingitim sa iyong kili-kili, ito ang ilan sa mga tips para pumuti ito:


Paano ingatan na huwag umitim ang kilikili? 

Iwasan mo lamang na gawing habit nang pag-aahit lalo na't kung hindi ka pa naliligo o sa araw na mayroon kang dalaw (sa babae).At kung ikaw ay nagpapawis lalo na't kung galing ka sa pag-eehersisyo, maiging punasan mo ito ng malinis na towel bago pa ito matuyo nang kusa sa iyong kilikili. 

Tiyak naman na maiiwasan mo ang pag-itim ng iyong kili-kili  

Kung gagamit ka ng kalamansi, isa itong natural na paraan maging kaaya-ayang makita ang iyong kili-kili. Ganito ang paggamit, gently rub the kalamansi or lime to your underarm and leave it there for just a few minutes at pagkatapos ay banlawan mo na.


Katulad naman ng kalamansi ay maaari mo ring subukan ang green papaya, pareho rin sa kalamansi kung papaano mo gagamitin ito.

Kung hindi mo naman nais na gumamit ng kalamansi, ay mayroon namang mga deodorant brand na dinesenyo para ma-maintain ang natural na kaputian ng iyong kili-kili. Para satamang deodorant na gagamitin ay mas maiging kumonsulta ka muna sa iyongdermatologist

Ang kulay ng iyong kili-kili, tulad ng sikreto ay nabubunyag din. Kaya mas maiging wala kang itinatago. Alagaan mo ito tulad ng pag-aalaga mo sa mga parte ng katawan na nakikita. Gugustuhin mo bang lagi mo itong itinatago? O magsuot ng jacket o long sleeves palagi? Paano na sa mga okasyong kinakailangan mong magsuot ng mga revealing outfit. Hindi ba't mas maiging maputi ang iyong kili-kili? 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...