MILYONG bilang ng mga tao sa mundo ang nakararanas ng tinatawag na urinary incontinence.Kung saan, isa itong kondisyon na nakaka-apekto sa mas maraming kababaihan.
Ngunit, ayon sa pananaliksik mayroong paraan upang mabawasan ang ilang suliranin sa mga nakahihiyang yugto mula sa pagbabawas ng sariling timbang.
Ang isyu sa pagkontrol sa panunubig ay higit pa sa nakai-stress at hindi kumportableng bagay, nagbubunsod din ito sa panaganib ng dulot ng pagkakahulog at pagkabali ng buto.
Kinumpirma ng bagong pananaliksik na ang pagbabawas ng timbang ay makakatulong upang maiwasan ang suliranin.Ang mga overweight na babae ay marapat na sumailalim sa anim na buwang istriktong pagdi-dyeta at programa ng pag-eehersisyo.Ang ganitong bagay ay nagbubunsod sa malaking porsiyento ng kabawasan sa posibilidad ng madalas na yugto ng urinary incontinence.
Malaki ang paniniwala na ang pagbabawas ng timbang ay nakatutulong sa maayos na kondisyon ng bladder at pelvic floor.