Tuesday, November 2, 2010

3 PARAAN PARA MAKAIWAS SA CANCER

IBINUNYAG ng mga siyentipiko mula sa kanilang pananaliksik na maaaring mapalayo sa banta ng breast cancer ang bawat indibidwal ng hanggang 79% mula sa paglagok ng limang baso ng tubig mula sa gripo sa bawat araw. Lumabas din sa naturang pag-aaral na possible ring mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng colon cancer ng hanggang 45%.

Ilan pa sa mabuting hakbang upang makaiwas sa iba pang uri ng cancer ay kinabibilangan ng mga sumusunod:




1. Kumain ng prutas at gulay. Ayon sa pananaliksik, ang regular na pagkonsumo ng matitingkad na kulay ng prutas at gulay ay makadaragdag ng 25,000 ng cancer-fighting antioxidants sa sariling diet.










2. Huminto sa paninigarilyo. Hindi tamang balewalain ang payo ng mga doctor na mag-quit na sa paninigarilyo. Ang ganitong bagay ay makakapagpalayo sa isang tao sa banta ng panganib ng cancer sa bibig, lalamunan at baga.

Gayundin, tinatayang maiiwasanang lung cancer mula sa pagkain ng mansanas sa bawat araw. Ang mansanas ay nagtataglay ng makapangyarihang kombinasyon ng cancer-fighting chemicals kabilang na ang tinatawag na quercetin at rutin. Maliban sa lung cancer, ang nutrisyong ito ay epektibo rin laban sa colon, liver at prostate cancer.






3. Magbawas ng timbang. Idiniin sa pag-aaral na ang daang libong bilang ng nakatatanda na mabigat ang timbang ng kanilang katawan ay higit na malapit sa banta ng cancer.

Ang pakonsumo ng lettuce, na espesikong nakapagbibigay ng vitamin K sa katawan ay may kakayahang pumatay sa cancer cells sa anumang uri nito bago pa man ito ma-develop sa full-blown tumors.

Dahil sa ang vitamin K ay isang fat-soluble, mainam na siguraduhin ang pagdaragdag ng salad dressing sa lettuce bago pa man ito konsumuhin.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...