Tuesday, November 2, 2010

TEKNIK PARA MAHULAAN ANG ZODIAC SIGN




May nakahula na ba ng iyong astrological sign? Kahanga-hanga itong kakayahan kaya kailangan nito ng matinding pagsasaliksik at praktis. Hindi man naniniwala ang iba na may kahulugan sa tao ang zodiac sign, heto ang ilang tips sa mga naniniwala na magagawa nila ito.

Humanap ng tao na may malakas na personalidad. Siya ba ay kumpiyansa sa kanyang inuugali? Nagpapakita ba siya ng kakaibang kalidad na wala sa ibang tao? Kilala mo ba talaga ang taong iyan? Kung ganito, siya na rin ang mainam mong maging kandidato para maanalisa ang kanyang zodiac sign. Sa kabilang banda, may kahalintulad na rin ba siyang ugali? Ang naturang tao ba ay mahiyain o tahimik kahit na kilalang-kilala mo siya? Kung ganito, mahirap marahil mahulaan ang kanilang zodiac sign.

Alaming mabuti ang espesipikong kalidad ng sign. Bawat sign ay may kalidad na mahuhulaan.

1. ARIES – Sila ay maiingay, gustong nakaririnig ng gusot, maingay talaga sila, mahilig kumanta, malakas ang puwersa ng boses o lalo na sa lalaki at bilib na bilib sa sarili.



2. TAURUS – Bilib sa sarili, gusto ng magagandang bagay at kapangyarihan at nababagot.



3. GEMINI – Mahusay makipag-argumento, matalino, maharot, pala-laro pero kung minsan ay nakakapikon.




4. CANCER – Napakasensitibo, moody, romantiko at mabait.


5. LEO – Mapagmalaki, kumpiyansa, gusto ng atensiyon, hayag ang loob, madrama ang ugali, ismarte, matalino at mahusay gumawa ng desisyon.


6. VIRGO – Nakagagawa ng trabaho na ayon sa tamang pagkakasunod, ekselente ang kalinisan sa katawan, babaeng-babae at mahilig sa drama.




7. LIBRA – Hindi makapagpasya, maharot, makarisma, napakaatraktibo, mahusay gumawa ng talata ng mga salita.



8. SCORPIO – Mapag-angkin, masikreto, matigas ang ulo, makasarili at may kumpiyansa sa sarili.



9. SAGITTARIUS – Adbenturero, independent, matapang at matalino.





10. CAPRICORN – Matigas ang ulo, mapag-argumento, malakas ang kagustuhan sa anumang bagay, matured at reserbado ang karakter.


11. AQUARIUS – Gustung-gusto na nakatutulong sa iba, laging positibo, masayahin, makarisma, maganda lagi ang kanyang hitsura at matalino.


12. PISCES – Sensitibo, palakaibigan at compatible.





Tingnan ang kanyang hitsura. Kung wala sa anumang nabanggit sa signs ang nababanaag mo sa naturang tao, pansinin mo lang siyang mabuti. Ano ba ang pinakamalakas niyang Karakter? Darating din ang oras, may makikita kang ugali niya na tutugma sa iyong mahuhulaan.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...