Tuesday, November 2, 2010

Tips Para Harapin Ang Problema Sa Credit Card


Minsan naisipan mong mag-apply ng credit card sa pag-aakalang makakatulong ito sa iyo sa oras ng pangangailangan. Pero dumating ang pagkakataon...sa hindi sinasadyang pagkakataon ay hindi ka na nakababayad sa credit card, tumaas ang interest, patong-patong hangang sa dumating na ang puntong nakararanas ka na ng mga hindi makatwirang paniningil ng mga kolektor ng credit card debt dito sa Pinas. Ito ang tips kung paano mo sila dapat harapin. Ito ang tips para harapin ang problema sa credit card. 
searched from google image for illustration purposes only
Alamin Ang Karapatan. Maging Maalam Sa Batas

Maraming manloloko kung maraming nagpapaloko. Hindi porke ikaw ang may utang ay para ka nang nakagapos at sunud-sunuran na lang sa kung anong sasabihin ng mga kolektor ng iyung credit card debt. Tandaan, mas lalo mong ipakitang wala kang alam sa iyong karapatan bilang mangungutang, mas lalo kang makakaranas ng mga harassment, pananakot at makakarinig ng mga kasinungalingan mula sa mga ito makuha lamang ang kanilang commission na kung iisipin mong maigi, para sila makakain ay kailangan ka nilang masingil.

Natatakot kang makakulong dahil sa utang mo sa credit card? Basahin mo ito:

1987 Philippine Constitution Article 3 Section 20 
No person shall be imprisoned for debt or non payment of poll tax

At hindi mo kailangan paniwalaan ang alin man sa mga ito na kalimitang galing sa mga credit card debt collectors:

1. Napadalhan ka ng demand letter na nagsasaad ng iyong utang at ang deadline kung kelan mo ito dapat bayaran kung hindi ay sasampahan ka nila ng criminal case RA 8484
Tandaan: defaulting your credit cards is only a civil case. Walang kaso sa n.b.i. at sasabihin kong muli, walang nakukulong rito.
RA 8484 ay para lamang sa mga taong nag defraud ng credit card. Iyung mga nameke ng kanilang identity para sila magka credit card.
2. Nananakot na hindi ka na makakapag-abroad o hindi na makababalik sa Pilipinas.

There's no such thing as travel ban for credit card defaulters. Magliwaliw ka kung saan mo gusto. Wag mo silang problemahin hayaan mo sila ang mamroblema sa iyo.

3. Ipapabarangay ka.
Kelan pa dapat mangialam ang baranggay sa kaso ng natural person laban sa juridical person. Mali ito, kaya kung mangialam si kapitan. Isumbong mo kagad sa munisipyo.

4. May police na darating sa iyong bahay para abutan ka lang ng isang pirasong papel na nagsasaad na tawagin mo si attorney paeng. 

Pulis patola lang iyun. Kunin mo lahat ng detalye tungkol sa pulis na iyon at tawagan ang police station kung saan siya naka-assign. Isa itong uri ng extortion at sila pa ang pwedeng sampahan mo ng kaso.

5. Magtetext ng ganito: you already have a warrant of arrest, you should pay your obligation as soon as possible.

Gaya ng sinabi ko at uulitin ko, ito ay kasong sibil lamang, ang warrant of arrest ay para lamang sa mga heinous crimes. At isipin mo ngang maigi, kung ikaw ang kriminal at i te text kang may warrant of arrest ka na parating, hindi ka ba maghahanap na ng matataguan? Tanong lang.

searched from google image for illustration purposes only

Tips Kung Paano Dapat Bayaran Ang Utang Sa Credit Card

1. Hanapan mo ng statement of account ang iyong credit card debt collector. I doubt if they can give you a certified copy from the bank where you defaulted your credit card. Walang S.O.A na maipakita? Ano ngayon ang utang na kanilang sinasabi. Kung wala nito, walang kasunduan ang dapat na mamagitan sa iyo at sa iyong mga credit card debt collectors. Mahalagang malaman na ang statement of account ay hindi pareho ng billing statement. Mas detalyado ang S.O.A at ito ay awtorisado at pirmado ng Banko kung saan ka may utang.

2. Sabihin na nating naibigay ang lehitimong statement of account, sumang-ayon ka lamang sa staggered payment na alam mong kaya mong bayaran. Kung hindi sila pumayag sa iyong gusto, ay huwag nang makipag-agreement sa mga kolektor at hintayin mo na lamang na sampahan ka na lang ng civil case. Mas makatwiran ang desisyon ng hukuman, maaari pang bumaba ang babayaran mo. Pero I doubt if they will pursue the filing of civil case, sa haba ng proseso at gastos, sa rami ng may utang sa kanila. Come to think of it, pag-aaksayahan ka pa kaya nila ng panahon at pera?

3. Sabihin na nating nasampahan ka ng civil case at sila ay nanalo sa kaso na tiyak naman talaga na sila ay mananalo dahil kahit pagbali-baliktarin mo man ikaw ang may utang. Pero huwag kang mag-alala, paper victory lang ito. Dahil kung wala ka namang pambayad, walang ari-arian. Anong magagawa ng tagumpay nila sa kaso. Eh di wala.
Mga Dapat Tandaan Ng Mga May Utang Sa Credit Card


1. Hindi dahil may utang ka ay ikababawas na ito ng iyong pagkatao. Lahat tayo minsan sa buhay natin ay nakaranas nito. Kaya ang dapat mong gawin ay harapin ito ng buong dunong at may malawak na pang-unawa. Huwag mong hayaang lamunin ka nang problemang ito. Napakaliit na problema ito kumpara sa mga tao sa lansangan na walang makain, at para makakain ay kinakailangan pang manloko at magnakaw.

2. Maging positibo sa buhay. Magbasa ng mga libro na makakatulong sa iyo para maging positibo gaya nang
Think Positive Thoughts na mabibili online via Amazon. You can get quick remedies in all your life's challenges if you always look at the bright side of it. 
searched from google image for illustration purposes only

3. Nagkamali ka. Wala namang taong hindi nagkakamali. In fact, this problem can make you a stronger person. Mas maraming pagkakamali, mas marami kang matutunan. Gaya nga nang laging sinasabi, experiences in life will always be your best teacher.

4. Uulitin ko, huwag magpaloko. Alamin ang iyong karapatan bilang debtor. Kung muli ka pang makaranas ng mga pang-aabuso or any unjust act from these scumbag credit card debt collectors. Pwede mong tawagan ang  Banko Sentral Ng Pilipinas para mahinto ito.

5. Huwag nang kumuha ng credit card. Huwag mong bigyang solusyon ang problema ng isa pang problema. Don't let yourself fall into a never-ending financial marathon. Wala ka pang pambayad. Walang kaso, unahin mo muna ang mahahalaga, ang iyong pamilya, ang iyong sarili bago ang iba.
"Pay your debt at the right time, the right place and to the right person"

Isa na namang tips ang nakatulong sa iyo. Nagustuhan mo ba ang Tips Para Harapin Ang Problema Sa Credit Card Debt. Paki-share po ang post na ito sa inyong mga kaibigan. May iba pang nais na tips? Gamitin po aming comment box na makikita sa aming tool bar o sa kanang bahagi ng aming blog. 
Maraming salamat sa aming reference: Diskarte ( Guidelines on Credit Card Paranoia)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...