1. Panatilihin ang ganda ng alahas. Ang araw-araw na pagpisit ng perfume at hairspray ay nakapipinsala sa hitsura ng lahat ng uri ng alahas kapag ito ay tinatamaan. Kaya’t dapat munang maglagay ng pabango sa katawan at damit, at spray net bago pa man isuot ang alahas.
2. Protektahan ang perlas. Huwag itabi ang mga perlas, peke man o tunay sa iisang kahon lang ng lagayan kasama ng mga hikaw – ang metal ng hikaw ay sasabit sa loob nito at makagagasgas sa malambot na bahagi ng naturang alahas.
3. Punasan ng tamang tela. Ilabas ang tunay na kinang at ganda ng alahas isang taon sa pamamagitan ng paggamit ng cleansing kit na mabibili sa mga tindahan ng mga personal na gamit.
4. Hiwalay na kalingain ang mga Kristal. Mahusay ang paghuhugas ng alahas na Kristal sa masabong tubig. Ang traditional silver o jewelry cleaners ay maaaring magreact sa plated finish ng Kristal na nagbubunsod sa pagkupas nito at hindi pantay na kulay.