Sa kabila ng pagsasaad sa hindi mabuting naidudulot ng diet soda sa katawan, kamakailan lang ng kinontra ito at ibunyag ng mga eksperto ang resulta sa isang pananaliksik. Lumabas sa pag-aaral na ang paglagok ng diet soda ay nagtataglay din mabuting benepisyo.
Ayon sa mga doctor, nadiskubre nila na ang citrate at malate na matatagpuan sa naturang inumin ay nakapagpapaiwas sa banta ng pagkakabuo ng calcium kidney stones. Mas mainam kung sa hanay ng mga diet soda, masusing pipiliin ang mataas na konsentrasyon ng dalawang substances.
Gayunman, ibinababala ng mga urologist na posibleng ang usaping ito ay magbunsod sa mga tao upag kumonsumo ng maraming diet soda sa kanilang katawan. Ang tamang dami ng naturang inumin sa katawan ay mahusay para sa mga taong malapit sa banta ng panganib ng kidney stones na hindi naman dapat sobrahan.