Showing posts with label kalusugan. Show all posts
Showing posts with label kalusugan. Show all posts

Tuesday, November 2, 2010

WARNING: MGA PAGKAING BAD SA HEALTH

AYON sa estimasyon ng mga eksperto, taun-taon ay mataas ang bilang ng mga taong napalalapit sa banta ng tinatawag na food-borne illnesses, kung saan, taun-taon ay halos 5,000 tao ang namamatay.
Ang mga nakakatanda, kabataan at ang mga taong mayroong immune system disorders ay ang siyang pinakasensitibong debisyon ng populasyon na marapat mag-ingat.
Ang mga sintomas ay kadalasang kinapapalooban ng diarrhea, pamumulikat, lagnat,kasamang dugo sa dumi, pagsusuka, pananakit ng ulo at labis na pagkapagod.



Ilan sa mga pagkain na dapat bantayan bago konsumuhin na malapit sa panganib ng kontaminasyon kaysa sa iba na kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Lettuce. lumalaki ito sa lupa, kung saan malapit ito sa mga pataba. Mainam kung tatanggalin ang bandang labas na bahagi ng naturang gulay at itatapon na lang ng tuluyan. Hugasang mabuti ang bawat layer ng lettuce bago lutuin o kainin.








2.Mani.. Malapit ang mani sa pagkakatanim nito sa tinatawag na aflatoxins o ang banta ng mold na maaaring maging dahilan ng liver cancer. Mas mainam kung susuriing mabuti ang mani para sa mga senyales ng mold bago pa man ito kainin.





3. Shellfish. Kapag hilaw o hindi maayos na naluto ang produktong ito, ang protinang makukuha ay posibleng magbunsod sa ilang suliranin.Mainam na siguraduhin ang ibayong pagluluto sa lahat ng uri ng ganitong produkto.






4.Isda. Ang ilang uri ng isda lalo na ang swordfish, tilefish, king mackerel atbp. ay kadalasang nagtataglay ng mataas na level ng mercury. Ipinapayo ang pag-iwas sa mga ito lalo na kung nagdadalantao.








5.Ceasar Salad. Kadalasan itong isiniserve sa mga restoran na kadalasang nagtataglay ng dressing na kinabibilangan ng hilaw na itlog na maaaring magdala ng salmonella na nakamamatay kapag hindi naagapan.
Mainam kung itatanong sa nagse-serve kung saan gawa ang dressing at pumili na lamang ng ibang menu item kung kinabibilangan ang salad ng hilaw na itlog.

HEALTHY BENEFITS 'PAG NAGBAWAS NG TIMBANG

Hindi lang magmumukhang macho o sexy…

HINDI dapat ipagsawalambahala ng isang tao kapag siya ay pinayuhan ng kanyang doctor na magbawas ng timbang sa sariling katawan upang maiwas sa bantang panganib na dulot ng sakit sa puso.

Ayon sa pananaliksik, lumalabas na ang isang tao ay may kakayahang magkaroon ng maigting na benepisyo sa usapin ng kanyang cardiovascular sa pamamagitan ng naturang simpleng pagbabawas ng timbang.

Kahit ang maliit na bilang ng taba na mababawas ng isang tao sa kanyang katawan ay mahusay na makapuputol sa tsansa na makapag-develop sa tinatawag na insulin resistance, na isang kondisyon ng katawan na napo-produce ng insulin ngunit hindi naman maayos ang nagiging bunga.

Ang resulta ay ang pagkakabuo ng parehong insulin at sugar sa blood stream na isang masamang balita sa puso ng isang tao.

Bilang karagdagan at tulong sa pagbabawas ng timbang, marapat na kumonsumo ng maraming fiber, whole grains at lean protein. Mahusay din ang pagkakaroon ng kahit na kaunting oras sa pag-eehersisyo sa araw-araw.

BUTING DULOT NG LUYA SA NAGPAPA-CHEMOTHERAPY

IBINAHAGI ng mga eksperto ang benepisyong dulot ng pagdaragdag ng isang kutsaritang luya sa kinukonsumong pagkain sa mga araw bago at pagkatapos ng sesyon ng chemotherapy.
Lumabas sa pag-aaral na ang bagay na ito ay may kakayahang makabawas ng brutal na side effects na nararanasan ng isang nagpapa-chemo.

Habang ang chemotherapy ay nakapagpapakita ng masidhing pangako sa pagpapabuti ng kondisyon ng maraming uri ng cancer tulad ng pagkahilo at pagsusuka na nagiging dahilan ng maraming pasyente upang katakutan ang proseso.

Gayunman, ang mga pasyente namang kumukonsumo ng luya sa naturang oras ay nakararanas ng 40% kabawasan ng nasabing mga sintomas. Ang kalahating gramo at isang gramo ay ang pinakamainam na rami ng tamang konsumuhin.

SIMPLENG PARAAN UPANG MAKAIWAS SA PROSTATE CANCER





Lumalabas sa estatistika na 75% ng kababaihan at kalalakihan ay nag-iisip na ang breast cancer ay ang pinaka-pangkaraniwan kaysa sa prostate cancer ay itunuturong pinakamakapangyarihang na-diagnose na kaso ng non-skin cancer.
Gayunman mapuprotektahan ng mga lalaki ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagkonsidera sa mga sumusunod:






                                                  1. Maghain ng Isda
Ayon sa pag-aaral, ang mga lalaking ang genes ay may mataas na panganib ng prostate cancer ay marapat na magdagdag ng omega-fatty acids sa kanilang diet upang mabawasan ang banta ng hanggang sa kalahati.
Ang shakes, yogurt at oatmeal ay mahusay ding halimbawa ng pagkain kontra prostate.









2.Kumain ng Prutas
Ang pagkonsidera sa pagkain ng blueberries bago pa man ang meal ay nakababawas sa pagkakakonsumo ng calories ng hanggang 10%.Mula ito sa pagbibigay ng signal ng receptor sa maliit na bituka ng tiyan na nagsasabing busog na ang isang indibidwal mula sa pagkakain ng nasabing prutas.








                                        3.Huwag Sunugin ang Karne
Ang pagkaka-overcooked ng karne mula sa mataas na temperatura ng apoy hanggang sa masunog ito ay nagbubunsod sa pormasyon ng compounds na tinatawag na heterocyclic amines (HCAs),na maaaring makapagpabilis ng development at mismong pagkalat ng prostate, breast, stomach, at colon cancers, ayon sa isang pananaliksik.

BENEFITS NG CONDITIONER SA BUHOK

1. Para sa dry at kulot na buhok.
Mainam ang paggamit ng conditioner na mayroong orange blossom, nakapagmo-moisturize ito sa mga taong mayroong kulot na buhok, habang nadaragdagan pa nito ng kakaibang kintab.




2. Para sa flat, at manipis na buhok.
Ang tamang pagpili ng conditioner ay nag-iiwan ng maayos na hibla ng buhok lalo na sa mga taong may flat at manipis na buhok.Mainam na pumili ng conditioner light citrus detangler kung saan magbubunsod ito sa pagiging shiny ng buhok na nagba-bounce.







3. Para sa bagong kulay na buhok.
Mainam na humanap ng conditioner na may citrus waxes. Mahusay nitong malalagyan ng coat ang buhok at mapuprotektahan ang bagong tubo nito at makaiwas sa mabilis na pagkupas ng kulay.






4. Para sa buhol-buhol na buhok.
Ang styling product conditioner na may kasamang vitamin C ay makapagdudulot ng kondisyon sa sariling buhok, habang nagbibigay ito ng mas makinis na texture at kontroladong hugis.

ALMUSAL NA MASARAP NA, HEALTHY PA!

1. Pancakes
Mahusay kung ang pancake ay hahaluan ng flaxseed,mainam din kung lulutuin ito sa olive oil.Ang kombinasyon ng mga ito ay nakapagbibigay ng beneficial fats na napatunayang nakababawas ng panganib na dulot ng sakit sa puso at stroke.





2. Omelet
Iwasan ang cholesterol na makukuha sa dilaw na bahagi ng itlog sa pamamagitan ng paggawa ng omelet na tanging egg white lang ang gagamitin.Ang puti ng itlog ay puno ng selenium na siyang pumuprotekta sa arteries ng tao laban sa banta ng LDL “bad” cholesterol.




3. Kape
Ayon sa tala ng mga eksperto,inilihad na ang mga taong umiinom ng isang tasa o Kuhigit pa ng kape sa isang araw ay nakapuputol sa panganib na dulot ng liver cancer ng hanggang kalahati.Habang ayon sa ibang pag-aaral,nabatid na ang pag-inom nito ay sadyang napatututol din ng banta ng diabetes.

SANHI, SINTOMAS AT LUNAS SA MYOMA



Myoma ang pinaka-common na benign tumor sa mga kababaihan.Uterine leiomyoma ang tawag namin dito. Ang tumor na ito ay binubuo ng mga muscle tissue, kadalasan ay marami ito at bibihira lang ang isa o isolated tumor. Madalas na makita ito sa katawan ng matris subalit puwede rin sa kuwelyo ng matris (cervix).

Ang myoma ay nakikita sa humigit-kumulang na 30% ng mga babaeng lampas na sa edad 35 at bihira lang na nauuwi ito sa cancer, mga 0.1% lang. Hindi pa alam kung ano ang tiyak na sanhi nito, subalit sinasabing ang hormonang “estrogen” at “human growth hormone” ang nagdudulot ng tumor. Ang teoriyang ito ay pinaniniwalaan sapagkat napansin ang maraming amount ng astrogen lalo na kapag nasa later stage na ng pagbubuntis, ay nagdudulot ng paglaki ng tumor. Kadalasang lumiliit at nawawala ang myoma kapag nag-menopause na ang isang babae (kung kalian maliit na rin ang produksyon ng kanyang estrogen).

@ Isa sa senyales na may myoma ang isang babae ay ang pagdurugong madalas (na akala mo ay madalas na pagreregla) at kung minsan ay may kasama ring dysmenorrheal o pananakit ng puson. Makararamdam lang ng sakit kung nag-twist ang tumor.Karaniwan ay nasasalat ang myoma kapag ineksamin ang tiyan at makukumpirma ito sa pamamagitan ng ultrasound.

Ang paggagamutan ng myoma ay depende sa sintomas, sukat, edad ng pasyente, lokasyon ng tumor, kung buntis o hindi, kung ilan na ang anak o may pagnanais na magkaanak at kabuuang kalusugan.

Puwede naming i-monitor ang paglaki ng tumor o kaya’y sumailalim sa operasyon kung masyado na itong malaki at ‘di na komportable ang pasyente.

IBA PANG PARAAN PARA MAKAIWAS SA SIPON AT TRANGKASO





Mula sa naunang halimbawa ng mga bagay na makapagpapaiwas sa sakit na sipon at trangkaso at pagpapalakas ng flu-fighting immune cells, na kinakailangan upang mapalayo sa virus ng paligid, lalo na sa ngayon na usong-uso ang A(H1N1) virus.

Mapalalayo sa banta ng cold and flu viruses sa pamamagitan ng iba pang bagay at Gawain na kinabibilangan ng mga sumusunod:



1.Kumain ng kamote
Ayon sa pananaliksik, ang pagkonsumo ng kalahating tasa ng kamote sa bawat araw ay nakababawas sa panganib na pagkakaroon ng sipon at trangkaso ng 33%. Ito ay dahil sa immunity-boosting beta carotene, na matatagpuan sa natural uri ng gulay.



2.Mag-relax
Kung magagawa rin naman, mainam na limitihan ang galaw ng katawan at mag-relax.Kapag nakararamdam ng pressure sa katawan at mas lalo pa itong sinasagupa, ay tumataas ng husto ang stress hormone cortisol.
Kung sakaling mairerelaks ang katawan, napabababa ang posibilidad ng pagkakaroon ng cold at flu ng hanggang 50%.



3.Uminom ng salabat
Ang salabat ay nagdudulot ng sapat na nutrisyon na nakatutulong sa katawan upang maayos na maitaboy ang white blood cells sa katawan at makukuha ito sa pamamagitan ng pagkokonsumo ng salabat o ‘di kaya’y ginayat na luya sisipsipin at ilalagak sa loob ng bibig.
Mahusay din ang pagkonsumo ng kalahating tasa ng pinya, at ginseng tea.



4.Maglakad-lakad
Lumabas sa pag-aaral na ang pag-e-ehersisyo ay mahusay sa pagpapakawala ng tinatawag na growth hormones, isang chemical messengers na mainam na nakapagbibigay ng sapat na pwersa sa white blood cells ng 55%, habang nakadodoble ito sa produksyon ng germ-killing anti-bodies.
Mas magiging masarap ang paglalakad kung may makakasamang kaibigan,o ‘di kaya’y paggamit ng ipod na maaaring pakinggan sa naturang gawain.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...