Tuesday, November 2, 2010

SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

DOC, itatanong ko lang po, kung puwede rin bang magkatulo ang babae? Ano po ang gagawin kung mayroong tulo ang babae? – 639077944***

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo.
Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner.

Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan.

Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit ng tiyan at balakang at ang kinatatakutang pelvic inflammatory disease o PID sa mga babae na kung saan ay impektado ang kanilang pelvic organs. Kung hindi ito magagamot, posibleng mauwi ito sa pagkabaog.

Sa gamutan, penicillin pa rin ang pinakaepektibo para rito, subalit kung minsan ay nangangailangan ng mas mataas na dosis o mas mahabang araw na gamutan. Kung minsan ay may mga kaso rin ng tulo na ayaw nang tumugon sa penicillin at kailangan pang gumamit ng ibang antibiotiko kapag nangyari ito.

Isa pa po, lahat ng kapareha sa kama ng taong impektado ng tulo ay dapat gamutin at iwasan munang makipagtalik hangga't hindi tuluyang gumagaling.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...