Showing posts with label Tips. Show all posts
Showing posts with label Tips. Show all posts

Tuesday, November 2, 2010

The Saddest Song Ever Written That Will Make You Cry

Mahilig ka bang mag facebook? mahilig kang mag share ng links?





Ngayon pede ka nang kumita sa mga links na ishare mo sa facebook.
eto mga kailangan mong gawin...
una gumawa ka ng account sa paypal

CLICK HERE FOR PAYPAL REGISTRATION

bakit kailangan mag gawa ng account sa paypal?
kasi diyan ka nila babayaran.
pag may paypal ka parang meron ka na ding online wallet. online money ika nga.
pwede mong gamitin ang paypal earnings mo sa mga games sa facebook!
so pag may account kana sa paypal. mag register ka nmn sa adfly

CLICK HERE FOR ADFLY REGISTRATION

bakit adfly? kasi bawat click nila sa links na ishare mo sa facebook mayroon kang kita!
1000 views = 1$
5$ pede kana mag withdraw ng cash mo sa paypal!
instant yan!
so ano pa hinihintay mo? register na!!!

WARNING: MGA PAGKAING BAD SA HEALTH

AYON sa estimasyon ng mga eksperto, taun-taon ay mataas ang bilang ng mga taong napalalapit sa banta ng tinatawag na food-borne illnesses, kung saan, taun-taon ay halos 5,000 tao ang namamatay.
Ang mga nakakatanda, kabataan at ang mga taong mayroong immune system disorders ay ang siyang pinakasensitibong debisyon ng populasyon na marapat mag-ingat.
Ang mga sintomas ay kadalasang kinapapalooban ng diarrhea, pamumulikat, lagnat,kasamang dugo sa dumi, pagsusuka, pananakit ng ulo at labis na pagkapagod.



Ilan sa mga pagkain na dapat bantayan bago konsumuhin na malapit sa panganib ng kontaminasyon kaysa sa iba na kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Lettuce. lumalaki ito sa lupa, kung saan malapit ito sa mga pataba. Mainam kung tatanggalin ang bandang labas na bahagi ng naturang gulay at itatapon na lang ng tuluyan. Hugasang mabuti ang bawat layer ng lettuce bago lutuin o kainin.








2.Mani.. Malapit ang mani sa pagkakatanim nito sa tinatawag na aflatoxins o ang banta ng mold na maaaring maging dahilan ng liver cancer. Mas mainam kung susuriing mabuti ang mani para sa mga senyales ng mold bago pa man ito kainin.





3. Shellfish. Kapag hilaw o hindi maayos na naluto ang produktong ito, ang protinang makukuha ay posibleng magbunsod sa ilang suliranin.Mainam na siguraduhin ang ibayong pagluluto sa lahat ng uri ng ganitong produkto.






4.Isda. Ang ilang uri ng isda lalo na ang swordfish, tilefish, king mackerel atbp. ay kadalasang nagtataglay ng mataas na level ng mercury. Ipinapayo ang pag-iwas sa mga ito lalo na kung nagdadalantao.








5.Ceasar Salad. Kadalasan itong isiniserve sa mga restoran na kadalasang nagtataglay ng dressing na kinabibilangan ng hilaw na itlog na maaaring magdala ng salmonella na nakamamatay kapag hindi naagapan.
Mainam kung itatanong sa nagse-serve kung saan gawa ang dressing at pumili na lamang ng ibang menu item kung kinabibilangan ang salad ng hilaw na itlog.

HEALTHY BENEFITS 'PAG NAGBAWAS NG TIMBANG

Hindi lang magmumukhang macho o sexy…

HINDI dapat ipagsawalambahala ng isang tao kapag siya ay pinayuhan ng kanyang doctor na magbawas ng timbang sa sariling katawan upang maiwas sa bantang panganib na dulot ng sakit sa puso.

Ayon sa pananaliksik, lumalabas na ang isang tao ay may kakayahang magkaroon ng maigting na benepisyo sa usapin ng kanyang cardiovascular sa pamamagitan ng naturang simpleng pagbabawas ng timbang.

Kahit ang maliit na bilang ng taba na mababawas ng isang tao sa kanyang katawan ay mahusay na makapuputol sa tsansa na makapag-develop sa tinatawag na insulin resistance, na isang kondisyon ng katawan na napo-produce ng insulin ngunit hindi naman maayos ang nagiging bunga.

Ang resulta ay ang pagkakabuo ng parehong insulin at sugar sa blood stream na isang masamang balita sa puso ng isang tao.

Bilang karagdagan at tulong sa pagbabawas ng timbang, marapat na kumonsumo ng maraming fiber, whole grains at lean protein. Mahusay din ang pagkakaroon ng kahit na kaunting oras sa pag-eehersisyo sa araw-araw.

4 TIPS PARA MAPANATILING MUKHANG BAGO ANG ALAHAS

1. Panatilihin ang ganda ng alahas. Ang araw-araw na pagpisit ng perfume at hairspray ay nakapipinsala sa hitsura ng lahat ng uri ng alahas kapag ito ay tinatamaan. Kaya’t dapat munang maglagay ng pabango sa katawan at damit, at spray net bago pa man isuot ang alahas.








2. Protektahan ang perlas. Huwag itabi ang mga perlas, peke man o tunay sa iisang kahon lang ng lagayan kasama ng mga hikaw – ang metal ng hikaw ay sasabit sa loob nito at makagagasgas sa malambot na bahagi ng naturang alahas.









3. Punasan ng tamang tela. Ilabas ang tunay na kinang at ganda ng alahas isang taon sa pamamagitan ng paggamit ng cleansing kit na mabibili sa mga tindahan ng mga personal na gamit.









4. Hiwalay na kalingain ang mga Kristal. Mahusay ang paghuhugas ng alahas na Kristal sa masabong tubig. Ang traditional silver o jewelry cleaners ay maaaring magreact sa plated finish ng Kristal na nagbubunsod sa pagkupas nito at hindi pantay na kulay.

Para magkaroon na ng syota… 13 UTOS SA MGA TORPE


ANG pagiging mahiyain ay karaniwan nang ugali ng isang lalaki. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nagiging aktibo sa harap ng ibang tao, mula sa pagsasalita ng kanyang tunay na damdamin sa anumang bagay at ang pinakamalungkot ang maligawan ang babaeng kanyang gustong maging nobya at asawa.

1. MAGPRAKTIS SA HARAP NG KAIBIGAN. Ang malaking dahilan sa pagkamahiyain ay ang takot na mabasted. Tanggalin ang dahilang ito sa pakikipag-usap at pagpili sa babae para sa iyong kaibigan o iyong kapatid (pero tiyakin na alam ito ng iyong kaibigan). At dahil ang iyong ego ay hindi itinataya, hindi ka masyadong personal na involve sa iyong approach. Ramdam mo kasi na walang big deal at gusto mo lang mapraktis ang pakikipag-usap.

2. MAG-POKUS SA UNTI-UNTING HAKBANG. Magsimula sa 12 steps program. Simulan mo sa matamis na ngiti. Ipakita sa lahat hindi lamang sa cute girl na ikaw ay friendly at madaling makausap. Sa sumunod na araw, gawin na ang makipag-“hi.” Ang sumunod ay medyo makikipag-usap na. Iparamdam sa kanya na bukas-loob ka at madaling kausap. Kung medyo nakapagbiro ka, okey lang. Madali lang namang magpatawad ang tao. Kung naaakit sa maganda, ganito ang gawin. Kailangang alamin kung anong hitsura ng lalaki ang hanap niya at ganu’ng hitsura ang siya mong i-project.

3. SIMULANG TANUNGIN ANG ESPESYAL NA BABAE NG SIMPLENG TANONG. Maipakita mong nagmamalasakit ka dahil nakumusta mo siya ng araw na iyon.

4. HUWAG MASYADONG PERSONALIN ANG ISANG BAGAY. Kung nais magtagumpay sa larangan ng pag-ibig, kahit anong sandali ay puwedeng tiyempuhan, pero anuman ang kanyang timing sa iyo ay huwag masyadong damdamin. Huwag masaktan kung may nabanggit man siyang iba.

5. MATUTONG MAKINIG. Huwag ikaw ang laging magsasalita. Kung puwede ay pagsalitain ang babae. Isang beses lang magtanong at saka makinig na sa kanya. Kung bagot na siya sa usapan, ibahin ang paksa. Sumundot ng iba pang bagay na mapag-uusapan para maipagpatuloy ang kuwentuhan.

6. MAKIPAG-USAP SA MARAMI. Huwag matakot na makipag-usap kahit kanino, mula sa isang matandang naggo-grocery, praktis lang ang kailangan.

7. HUWAG MATAKOT NA MABASTED. Maraming boksingero ang sumasagupa pero kahit natatalo ay nagpapatuloy sa larangan. Ganyan ka rin, hindi ka dapat umasa na laging panalo. Kaya kung anuman ang karanasan sa panliligaw ay ituring itong isang positibong learning experience. Ang trick dito ay hindi dapat sumuko. Ang pagkamahiyain at pag-aalangan ay nangyayari kung iniisip lagi ang kakulangan. Sa halip, ipokus ang isipan sa babaeng kausap. Kalimutan ang kakulangan, makikita mo kung paano ka bibigyan ng atensiyon.

8. LUMABAS AT MAKIPAGKAIBIGAN. Lumahok sa mga aktibidad na nakikipag-ugnayan sa maraming tao gaya ng pagdyi-gym, exercise class, college society o hobby club. Sa lugar na ito, dapat lagi kang nakikipag-ugnayan at darating ang time na magiging komportable ka rin. At higit sa lahat, garantisadong dito mo matatagpuan ang babaeng magpapatibok ng puso mo.

9. SIMULAN SA SARILI MO. Kapag tatalikuran na ang pagkamahiyain, kailangan ng panahon at tiyaga, makikita mo kung paano magbabago ang iyong buhay.

10. IMADYININ NA NAKIKIPAG-USAP KA LAGI SA ISANG KAIBIGAN. Iyong walang seksuwal na atensiyon para maging komportable sa pakikipag-usap.

11. TUMINGIN NANG MATA SA MATA. At ipaalam sa kanya na ikaw ay interesado. Pero huwag namang tititig.

12. MAGPAKATOTOO, MAGING MARESPETO SA BABAE.

13. BATIIN ANG MALILIIT NA BAGAY SA KANYA. IYONG MGA BAGAY NA ‘DI MASYADONG NAPAPANSIN NG IBANG LALAKI. At kapag nagawa ‘yan, feeling niya espesyal na siya.

TIPS PARA MATURUAN ANG MGA ANAK NA MAG-IPON

Nagsimula na ang pasukan sa eskuwela at maraming problema na naman ang kinakaharap ng mga magulang lalo na kung paano tuturuan ang mga anak na mag-ipon.
Noong bata pa kami, ang paniniwala naming mag-asawa ay pinakamainam na paraan para turuang mag-ipon ang aming mga anak ang pagbibigay sa kanila ng allowance na sapat lamang at hindi hihigit sa kanilang kailangan.Nagdadala naman sila ng baong pagkain na pangmeryenda at pananghalian sa kanilang pagpasok.Inihahatid-sundo sila ng school bus at pinadadalhan ng pocket money na angkop sa kanilang edad.Dahil hindi naman sapat ang kanilang pera para makabili ng mga bagay na gusto nila, natuto ang aming mga anak na mag-ipon at maging “wais” sa paggasta.

Ikinukuwento nila na may mga kaeskuwelang natutong maging maparaan para magkaroon ng kahit kaunting kita. Naghahanap sila ng mga basyo ng bote na ibinabalik sa tindahan kapalit ng pera. Natutunan din nilang magtrabaho upang kahit paano ay magkaroon ng mapagkakakitaan. Kapag tinatanong sila ng mga kaibigan at kamag-anak kung ano ang gusto nilang regalo, sinasabi man nila ang nais nila ay nagpapahiwatig naman ang mga bata na mas gusto nila kung perahin na lamang.
Ipinagbukas namin ang mga anak namin ng saving account mula sa totoong bangko at bukod pa rito, mayroon din silang “home bank” saving book. Sa ilalim ng home bank, idinedeposito nila sa amin ang kanilang ipon at tutumbasan namin ito ng kaukulang interes na 10% na mas mataas kaysa ibinibigay ng tunay na bangko. Naging insentibo ito sa kanila para magdeposito at limitahan ang pagwiwithdraw.

Higit na kumplikado ang mundo sa panahong ito kaysa noong bata pa ang mga anak namin. Pero ang lahat ng konseptong itinuro namin sa kanila ay angkop pa rin. 

Pinakamabigat na suliranin ng mga magulang sa ngayon ay ang pagkakaroon ng maraming tukso sa mga bata sa kapaligiran. Isa pang nakapupukaw ng kanilang atensiyon ay ang telebisyon na nagpapakita ng kung anu-anong produkto na para bang lubhang kailangan sa buhay. Sa panahong ito, lalong mahalaga ang pagiging malapit ng mga magulang sa kanilang mga anak para magabayan ang mga ito at maturuan ng tamang pagpapahalaga. Ngunit ingatan na hindi magmukhang sermon ang pakikipag-usap sa mga anak dahil kung ganito ay hindi maiiwasang maging sarado ang kanilang isipan at hindi na makikinig sa mga pangaral. 

TIPS UPANG 'DI MADALE NG AKYAT-BAHAY






1. BURGLAR ALARM. Gaano man kaligtas kung iisipin ang iyong bahay, hindi natin masasabi kung kailan ka magiging biktima ng akyat-bahay. Napakahalagang maging ligtas ang inyong tahanan para sa iyong proteksiyon maging ng buong pamilya. May ilang paraan para maging ligtas ang tahanan, gayundin ang pamila na maging biktima ng nakawan at krimen.

2. OPEN WINDOW. Maglagay ng security system sa mga bintana at pintuan. Kung marami kayong kagamitan sa loob ng bahay, mainam nang mag-invest ng home security. Lahat ng bintana at pintuan ay lagyan ng security stickers.



3.       DEADBOLT LOCK. Maglagay ng deadbolt lock sa mga bintana o pintuan. Tsekin din kung gumagana ang mga susian ng pinto
at bintana. Kung minsan, pinag-aaralan ng magnanakaw kung paano papasukin ang bintana lalo na kung salamin ito at saka sila babalik sa susunod na pagtatangka. Kaya dapat regular ninyong tingnan ang inyong mga bintana at pintuan.

4. MAGSARA NANG HUSTO. Huwag iwang bukas ang mga bintana sa unang palapag ng tahanan habang kayo ay natutulog. Nakikita kasi ng magnanakaw kung ano ang laman ng bahay. Huwag ding magiiwan ng hagdan sa labas ng bahay. Lagyan din ng bolt ang mga pintuan ng kuwarto na kahit makapasok ang magnanakaw sa loob ng bahay ay at least, sarado pa rin ang inyong mga silid. Makatatawag ka pa sa pulisya habang nasa loob ka ng kuwarto sakaling may marinig kang pumasok sa iyong bahay.

5. CELLPHONE. Pinakamahalaga sa lahat, dapat lagi kang may cellphone sa iyong tabi habang natutulog. At least, putulin man ng magnanakaw ang linya ng telepono, puwede mong magamit ang iyong cellphone para makahingi ng tulong. Mas mainam na tseking mabuti ang mga lock ng bahay bago matulog sa gabi.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...